Labels

criticism (1) defend (1) emotions (1) feeling (1) feelings (1) politics (1) prayers and novenas (3) rank (1) revenge (2) school (5) speech (2)
Showing posts with label politics. Show all posts
Showing posts with label politics. Show all posts

Saturday, April 17, 2010

MY SPEECH in Filipino

Kay rami ko ng tanong na naipon sa aking buhay tungkol sa mga bagay - bagay dito sa ating bansa na nakakapagpagulo sa aking isipan bilang isang estudyante ng Sitero Francisco Memorial National High School.

Masama nga ba ang mga bagay na may bahid ng pulitika? Paano kaya natitiis ng mga taong lantad sa kanilang anumalya at kasalanan ang magpatuloy pa sa pagseserbisyo publiko? Sino kaya sa mga tatakbo ngayong 2010 ang karapat- dapat iboto ng mga tao? Ano kaya ang mangyayari sa Pilipinas pagkatapos ko ng High School, College, at maging sa aking buhay? Kaya ba ninyong sagutin? Matatalino ang mga taong kayang sagutin ang mga ilan sa mga tanong na naipon sa king buhay.

Heal the world, making it a better place.” Ay isa sa mga magagandang linya sa kanta ni Michael Jackson na Heal the world. Isa ito sa gusto kong gawin at ninanais kong gawin ng mga kapwa ko tao, lalung-lalo na ang mga tao ng may posisyon sa pamahalaan.

Kay rami ng nangyari sa nakaraan, bakit hindi tayo matuto-tuto sa ating mga kamalian? Ang ilan ba sa ati’y mga bulag at mga duwag? At bakit hindi man lang tayong lahat ay pumalag? Sa mga gawain nilang kahabag-habag na di man lang nila inisip ang kanilang bayan na kulang na kulang sa unlad,

Minsan, naisip ko, natanong ko sa sarili ko, pwede ba akong umiwas sa kinasusuklaman kong pulitika? Naririndi na kasi ako sa mga milyun-milyong kinukurakot nila, sa mga taong desperadong manalo sa halalan, sa mga pangakong lagging napapako. Napagtanto ko pwede pala, pwede kung ako’y isang bangkay na.

Habang ako’u nabubuhay, mga damit, pagkain, gamit, at lahat ng aking nakikita’y may bahid ng pulitika. At bigla, ako’y napakanta, nakaligo kana ba sa dagat ng basura… At aba, pati ako’y nabahiran na. Naglakad-lakad ako at narinig ko nanaman ang kantang iyon na hindi mula sa boses ko kundi sa bawat bahay na nadaraanan ko. Bumili ako sa tindahan at may kasabay akong bumili, ako’y biglang nagulat ng pati ang bumibili’y kumakanta na rin ng kantang naririnig ko parati. Napagtanto kong napakagaling talaga nila mang-impluwensiya. Maging ako na galit sa kanila’y tuwang-tuwa sa panloloko nila. Huwag tayo maging bobo, huwag tayong magpadala ng husto. Hindi tayo tulad ng mga iniisip nila na walang pag-iisip. Tayo’y binigyan ng panginoon ng utak upang labanan ang kasamaan at hindi umayon dito.

Kahirapan ay talagang laganap na, baka madaig na natin ang pinakamahirap na bansa dahil sa mga ganid na tao. Baka madaig na natin ang bansang Africa sa talamak nilang malnutrisyon at kakulangan sa edukasyon. Bakit kaya hindi natin daigin ang mga bansang America, China, Japan, at marami pang iba? Bakit hindi tayo magpayaman sa sarili nating bansa at hindi sa iba? Bakit Hindi tayo ang utangan at hindi ang umuutang? Bakit hindi nating magawa ang pagbabagong hinahangad? Bakit hindi maalis sa mga pulitikang iyan an gang kasakiman?

Labis na ang kanilang pang-aabuso. Hahayaan lang ba natin na ang pera nila sa bangko ang umuunlad imbes na an gating ekonomiya? Bigyan pansin natin ang ninanais ng ating bayan. Tayo’y dapat maging matapang sa pagiging oposisyon kung may anumalyang nagaganap.

Ang ating populasyon ay talagang malaki na. Imbes na ang mga taong gutom na gutom na Pilipino ang pakainin ay mga taong mayayaman pa ang ginagastusan ng milyong dolyares sa isang hapunan lang.

Paano nila pakakainin ang mga taong gutom kung ang paglipad sa ibang bansa ang inaatupag nila imbes na ang pagpapalipad ng estado ng ating lugmok na ekonomiya?

Kung makakalusot sila sa batas ng mundo, hindi sila makakalusot sa batas ng ating Panginoon. Huwag tayong mag-antay lang at iasa sa panalangin ang hinahangad na pagbabago kundi simulan natin sa sarili ang ating ninanais. Napakalungkot ding isipin na isa tayo sa mga dahilan kung bakit naghihirap ang ating inang bayan. Ngunit ang numero unong dahilan ng kahirapan sa’ting bansa ay ang korupsyon na dulot nila. Sila’y mga demonyo, mga walang puso’t kaluluwa! Mapanlinlang na taong namumuno! Kung hindi tayo kikilos, sino at kailan tayo kikilos?

Huwag nating antayin na maging ang demokrasya’y kaya na nilang kontrolin. Habang maaga’y kumilos na’t ating gawin, sa sarili natin ang pagbabago na nais nating kamitin. Isabuhay ang dugong nananalaytay sa dugo ni Rizal. Isabuhay ang dugong may ayaw sa kasakiman.